-itchyworms-
Nais kong magpakalasing
Dahil wala ka na
Nakatingin sa salamin
At nag-iisa
Nakatanim pa rin ang gumamaelang ‘binalik mo sa’kin
Nang tayo’y maghiwalay
Ito’y katulad ng damdamin ko
Kahit buhusan mo ng beer, ayaw pang mamatay
Giliw ‘wag mo sanang limutin
Ang mga araw na ‘di
Mga anak at bahay nating pinaplano
Lahat ng ito’y nawala nu’ng iniwan mo ‘ko
Kaya ngayon…
Chorus:
Ibuhos na ang beer sa aking lalamunan
Upang malunod na ang puso kong nahihirapan
Bawa’t patak ano’ng sarap
Ano ba talaga mas gusto ko
Ang beer na’to o ang pag-ibig mo
Nais kong magpakalasing
Dahil olats ako
Kahit ano hihithitin
kahit tambutso
Kukuha ako ng beer at ipapakulo sa kaldero’t
Lalanghapin ang usok na ‘to
Upang hindi ko na isiping nag-iisa na ako, oh
(Repeat Chorus)
(Repeat Refrain)
(Repeat Chorus except last line)
An beer na ‘to… ang beer na ‘to..
Ang beer na ‘to o ang…
Pag-ibig mo